Car is Overrated: Bicycle is the Future

epinoy

Moderator
Tulad ng maraming Pilipino, isa ako sa nangarap ng ganito.
Magandang trabaho;
Sariling bahay;
Sariling KOTSE.

Mahirap nmn iwasan, dahil yan ang mga kadalasan pinagmamalaki ng mga tao hinahangaan natin. Yan ang mga nagiging simbolo ng success nila sa buhay.
Kahit hindi mo aminin, pati ikaw nagdaan dyan, baka nakamit mo na, o tinanggap mo nlng na hindi mo kaya maachieve yan.

Eight years ago, isa ako sa nagkaroon ng pagkakataon manirahan sa ibang bansa, sa California, USA. Ngayon nakuha ko na mga yan, naramdaman ko na isa dyan ang hindi ko pala talaga tunay na gusto. -ung pagkakaroon ng kotse.

Don't get me wrong. May sarili padin akong kotse at malaki ang naitutulong sakin nito. Lalo na't ngayon may sarili na akong pamilya, malaking pakinabang talaga. Ngunit ang napansin ko, kaya ko lang naman siya kailangan dito, ay dahil walang tricycle, pedicab, jeep, lrt, or fx. Puro UBER at LYFT lang ang magagamit mo pang commute, at mas mainam pang bumili ng sariling kotse kaysa gawin yan araw-araw. Sadyang ang disenyo ng siyudad nila, ang sasakyan ay napakahalaga. Sa katunayan nga, may mga tao na mas willing mawalan ng bahay, kesa mawalan ng sasakyan.

Noong una akong bumili ng sasakyan, pinili ko pa yung "dream car" ko. Medyo may kamahalan, pero komportable. Pwede mo tirahan kung tutuusin. At para kang nasa sofa nakaupo habang nagmamaneho.
Makalipas ang ilang taon, narealize ko, ang silbi lng nmn talaga ng sasakyan para sakin ay para makapunta mula point A to point B. Hindi ko naman talaga ramdam yung saya ng pagmamaneho, lalo na kung ang gusto ko lang ay makapasok o makauwi, tapos naiipit na ako sa trapik. Hindi pa ako puwede makipag text o magkutingting ng cellphone ko sa byahe, dahil ako yung driver. Nakakainip din. Pag may sira, ako yung gagastos at mag aasikaso. Minsan pati parking problema ko. Akala ko pa naman mas magiging malaya ka pag may kotse, pero nakatali padin ako.

Naisipan kong bumili ng bisekleta nitong simula ng 2022. Trip lang, saka mura din. Nakabili ako ng isang lumang e-bike. Napagtripan ko lng din minsan ipang pasok sa trabaho. Nung una nga ay kinakabahan ako dahil madalang ang nagbibisikleta dito. 30 mins na byahe din ng kotse ang layo ng trabaho ko. Hindi ko sure kung kaya ko at kung gaano katagal. Pero noong ginawa ko na, hindi nmn pala ganoon kahirap. Doon ko narealize na pupwede naman pala yun.

Nung nagsimula ako mag bike, mas maganda pa ang mood ko pagdating sa trabaho. (Mejo pawis, pero pagpapawisan din naman ako sa trabaho). Kahit gaano ako tinatamad, nawawala yan pag nasa biyahe na. Mas naappreciate ko ang city namin. Nakakapagpahinga ako kung kelan ko gusto. Sakto pa, biglang nagtaas ang presyo ng gasolina kaya tinuloy tuloy ko ito, hanggang makabili ako ng bagong electric bike. Mejo nadagdagan ang oras ng byahe ko. Nadagdagan ng 5 mins, 5 mins na masaya ako. Extra 5 mins para mabawi ko ang isang oras na ilalaan ko sa pag punta ng gym.

March 2022, nakauwi ako sa Pilipinas. Napansin ko na dumadami na ang mga cyclist sa atin. Nagkaroon na ng mga bike lanes ang maraming kalsada. Considering na mayroon padin tayong public transport, kailangan lang i-adopt ang mga ito para ma-accomodate ang cyclist. Madudugtungan ang range ng pwede mo puntahan.

Ngayon ding 2022, Unti-unti nmn din nauuso ang mga personal na vehicles dito gaya ng bikes, electric bikes, at electric scooters dito sa US. Iyon nga lng, napakalaking infrastructural changes ang kailangan baguhin at mahabang panahon ang bibilangin bago ito tuluyang maging normal na transport ng mga tao dito sa siyudad namin. Sadyang walang msyadong choice kahit 10x na itinaas ng gasolina, mapipilitan ka padin mag kotse.

Kaya, ang masasabi ko, kung nasa Pilipinas ka, hindi bale may kotse ka kung talagang kailangan mo. Pero kung ang gusto mo lng ay makarating sa trabaho, mag bike ka nalang din. Habang dumadami ang cyclist, eventually gaganda ang cycling infrastructure natin. Hindi yan gagastusan ng gobyerno kung kulang ang demand. Mababawasan ang trapik na dulot ng mga personal cars at mababawasan ang disgrasya na dulot ng mga kotse sa lansangan, sa bawat isang driver na maging cyclist na lang. At bukod pa diyan, mas makakabuti din sa kalusugan mo. Alam ko meron ding mga challenges yan, pero mas nakakatuwa at tipid challenges yan kesa mag babysit ng tatlong toneladang bakal, na siyang malaking lamang niya lang sa bisikleta, ay bragging rights sa mga iba wala naman din talagang pakialam.

ccto to vjcp14
 
Top